Isa ang Folsom Arts sa pinaka tini-treasure kong gift galing kay Lord. You know why ? Ito lang ang nag iisang work na pinag fasting at pinagpray ko ng puso sa puso. And this gift I have received gives me another nine Gifts.
Marami sa 'tin ang nagsasabing walang pag-unlad sa bansang ito.. totoo man o hindi basta si Folsom Arts ay #naniniwalangmayperasaPinas... many people knew how much I wanted to work outside the country but this simple line I've learned become my inspiration and helped me to believe na pwede kong matupad ang mga pangarap ko nang hindi iniiwan ang pamilya, kaibigan, simbahan at ang mahal na " Perlas ng Silanganan ".
Habang tumatagal sa work medyo bumabait na ako, bakit ba kasi #angbaitngmgaboss ko...? nakakahawa sila.... Seriously natatanong ko 'to minsan..Siguro naman sa 27 years ko dito sa earth pwede ko ng masabi na marami na rin akong nakasamang tao and know what? I can say na baka di na ko makatagpo ulit ng mga kagaya nila... it's like once in a blue moon chance.
Folsom Arts, my second home, alam mo ba na sa ground mo para akong nasa isang kwarto na kasya ang syam na tao... "#maluwag" ... di mo 'ko pinahihirapan kapag kelangan ko talagang mag off sa work o kaya mag under time, kapag nga minsan gusto ko talaga mag unwind para makapagpahinga binibigay mo. You are also a #teacher of so many good things and I am proud to say na di mo kami pinababayaang nagtatrabaho lang, tinuturuan mo rin kaming maging #matatagsapananampalataya. I salute you for being #honest when correcting our wrong thoughts and wrongdoings, even your honesty to our client, ang hirap kaya mag sales if salestalk are not true. Years had gone by pero #Napakahumble mo pa rin inspite of what you've already accomplished, hindi nawawala sa vocabulary mo ang word na "sorry" kung kailangang marinig. I strongly believe that you are not just a business or a career , you are a friend to us. Ngayong mas malaki ka na at mas malawak mas nakikita ng lahat kung pano tinutupad ni Lord ang #pangarapmongmakatulongsaiba. Ayoko na rin sanang banggitin pa dahil ito naman ang pinaka obvious sayo kaya lang gusto kong sabihing maraming salamat sa #bukasmongpalad , lahat ng naibigay mo, I mean all of it ...were too much.
Nakabalot man o hindi, kapag ang isang bagay ay ibinigay ng walang kapalit at ito ay makakabuti sa 'kin, ito ay isang regalo.
Those NINE hashtag words are the things I'd LIKE the most and considered a gift. Those are the other side of FOLSOM ARTS that maybe others cannot see or from outside you will never know.
Today, we are celebrating OUR NINTH ANNIVERSARY and I want you to know na hinahangaan ko ang apat na taong pinagdaanan mo nung wala pa ako at minamahal ko ang halos limang taong pagsasama natin at pagsasamahan pa.
Happy Anniversary!
Saturday, March 5, 2016
My Nine Gifts from Folsom Arts (by Lenlen Tubera-Tacurda)
Labels:
9 years
,
9th anniversary
,
company
,
Folsom Arts
,
from stone to known
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment